Paglaban sa Violence Against Women, pinalakas ng QC LGU

16

Mas pinagbuti ni Quezon City LGU ang mga hakbang  laban sa karahasan sa kababaihan .

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming Closed-circuit television (CCTV) camera at improved 24-hour emergency hotline.

Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte , na mas pagagandahin ang serbisyo sa kasalukuyang emergency hotline ng lungsod, ang 122.

Isa ito sa tinitingnan niyang epektibong paraan upang rumesponde sa mga emergency katulad ng kaniyang karanasan sa Davao City.

Binanggit din ni Belmonte ang Anti-Catcalling ordinance sa lungsod at hinikayat ang mga kababaihan na magsumbong sa kinauukulan sakaling makaranas ng ganitong insidente sa Quezon City.

Facebook Comments