Binata, Balik Kulungan dahil sa Droga!

*Nueva Vi**z**caya- *Muling bumagsak sa kulungan ang isang binata matapos mahuli ng pulisya sa pagbebenta ng illegal na droga sa Rana Street, Purok 4 Brgy. Bonfal West, Bayombong, Nueva Viscaya.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj. Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang suspek ay nakilalang si Diego Concoles, 29-anyos, binata, construction worker at residente sa naturang lugar.

Matapos mamataan dakong 7:30 kagabi ang suspek sa naturang lugar ay agad na ikinasa ang drug buybust operation ng otoridad na resulta ng kanyang pagkahuli.


Narekober sa pag-iingat ni Ancheta ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na P500 na ginamit ng pulis na nagpanggap na siyang bibili ng droga na ibinibenta ng naturang suspek.

Sa isinagawang body search ay nasamsam ang isang kaha ng marlboro na naglalaman ng 2 stick, 2 pakete ng pinaniwalaang shabu kabilang ang kanyang sinasakyang motorsiklo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. George Marribay, OIC ng PNP Bayombong, unang nakulong sa parehong kaso si Ancheta noong April 2016 at nakalabas lamang sa bilangguan noong August 2018 sa pamamagitan ng plea bargaining.

Inihahanda na ngayon ang kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isasampa laban kay Ancheta.

Facebook Comments