Binata binugbog patay sa Kidapawan City

12

Patay ang isang 21 anyos na binata ng ito ay pagtulungang bugbugin ng 5 katao sa lungsod ng Kidapawan nitong Martes .
Kinilala ang biktima na si Gilbert Perialde 21 at nakatira sa Kanapia Subdivision sa Kidapawan City. Naganap ang insidente ng pambubogbog sa bahagi ng overpass sa Quezon Boulevard kung saan ay pinagtulungang bugbugin ng 5 katao ang biktima.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktimang si Perialde subalit binawian din ito ng buhay dahil sa matinding sugat na tinamo sa katawan.
Posibleng napagtripan lamang ang biktima at kasalukuyang pang nangangalap ng dagdag na impormasyon ang Pnp kaugnay aa insidente. Ano kaya ang naging kasalanan ng biktima? (Amer Sinsuat)

Facebook Comments