Binata nag-selfie nang naka-dirty finger sa loob ng presinto, diretso sa kulungan

316
Image via QCPD-PIO

Nahaharap sa reklamong unjust vexation ang isang binata matapos mag-dirty finger sa loob mismo ng presinto at nasa background pa ang mga pulis nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang lalaki na si Mark Jhun Ejorcadas, 19, mula sa Barangay Apolonio Samson, lungsod ng Quezon.


Sa imbestigasyon ng La Loma Police, katatapos lamang dalawin ni Ejorcadas ang kapatid na nakakulong nang biglang mag-selfie ng naka-rock ‘n’ roll at dirty finger habang masinsinang nagtratrabaho ang awtoridad.

Sinabi rin umano nito ang mga salitang “f*ck you police”.

Lingid sa kaalaman ng salarin, nasaksihan pala ito ng isang nakasibilyang pulis na humantong sa agarang pagkakaaresto.

Kinumpiska din ng pulisya ang cellphone ginamit ng suspek.

Depensa ni Ejorcadas, hindi niya alam na masama ito at nais lamang ng bagong profile picture sa social media account.

Facebook Comments

From Advertisers