Binata, Huli matapos bawiin ang pangako na papakasalan ang Nobya

689

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito bandang alas 8:00 kaninang umaga sa Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Neal Harvey Manuel, 20 anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt.Joseph Jonathan Binayug, Hepe ng PNP Luna, pinangakuan umano ng akusado ang kanyang kasintahan na si Abigail Tacdoran, nasa tamang edad na papakasalan nito ngunit binawi ng akusado ang kanyang pangako para sa kasintahan na nauwi naman sa emotional impact ng dalaga.
Ayon pa kay P/Capt. Binayug, inaresto si Manuel sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Raul Babaran ng RTC Br. 19 Cauayan City na may petsang October 16, 2019 sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and Children sa ilalim ng criminal case no. 19-12648.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P24,000.00.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan si Manuel bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments