PANOORIN: Basketball game ng HS students, nauwi sa gulo; coach nakisali din

5032

Nauwi sa “basketbrawl” ang juniors semifinals match ng STI-West Negros University kontra Colegio de Santa Ana-Victorias nitong Sabado ng hapon.

Patapos na ang fourth quarter nang magkapisikalan ang dalawang manlalaro ng nagsasagupaang koponan.


Maya-maya pa, bumagsak na sa sahig ang isang player ng WNU-STI.

Doon na nagtakbuhan ang ibang basketbolista ng WNU-STI at inupakan na ang players ng CSA-V.

At sa halip na umawat, nakisali sa gulo ang isang coach at binalibag ang isang batang atleta.

Bago naganap ang rambol, tambak ang WNU-STI sa CSA-V sa iskor na 81-62.

Bahagi ng kompetisyon ng Negros Occidental Private Schools Sports Cultural Educational Association (NOPSSCEA) ang nasabing basketball game.

Iniimbestigahan pa ngayon ng pamunuan ng NOPSSCEA ang naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers