Cauayan City, Isabela- Arestado sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad ang isang binata na hinihinalang sangkot sa insidente ng carnapping sa Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si Alfred Mlimid alyas ‘Chris Alfred’,18-anyos, at residente ng Brgy. Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.
Pinagsanib na pwersa ng Solano Police Station, Bayombong PNP at Nueva Vizcaya Highway Patrol Group ang nagsagawa ng operasyon kaugnay sa carnapping incident sa Brgy. Busilac, Bayombong na nagresulta ng pagkadakip sa binata.
Narekober ang isang motorsiklo (RUSI 150 Macho) kung saan naaresto ang suspek habang nakita rin sa pag-iingat nito ang isang kahina-hinalang sling bag at nabisto ang naglalaman ng apat (4) na pakete ng dried marijuana maging cellphone at P4,000 na boodle money.
Nakumpirma na sangkot talaga sa insidente ng carnapping ang binata sa Brgy. Busilac, Bayombong kung saan agad na inalerto ang pulisya.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Act) at RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2001.