Binata, Inaresto ng kapulisan sa kasong Pananakit

74

*Cauayan City, Isabela*- Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest ng isang binata bandang alas singko ng hapon sa Brgy. Bliss Village, Ilagan City, Isabela kahapon.

Kinilala ang akusado na si Angelo Carbonilla, 28 anyos, binata at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ilagan, inaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Isaac De Alban ng RTC Br. 16 Ilagan City para sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and Children sa ilalim ng criminal case no.9055 na may petsang Oktubre 28, 2019


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito na nagkakahalaga ng (P36,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga pa rin ng otoridad ang binata bago ipasakamy sa kanyang court of origin.

Facebook Comments