Binata, Inaresto sa kasong Pagnanakaw sa Ramon, Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang manggagawa na Top 1 Municipal Level matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Aaron Biag, 18 anyos, binata at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ramon, dinakip si Biag sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Nicasio Bautista ng RTC Br. 21 Santiago City na may petsang Oktubre 7, 2019 para sa kasong Pagnanakaw sa ilalim ng criminal case no. 21-12229.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (72,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay s akanyang court of origin.

Facebook Comments