Binata, Kulong sa Pagtutulak ng Marijuana!

Cauayan City, Isabela- Nahuli ang isang binata na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buy bust operation ng otoridad sa Sitio Villa Luz, P-4, Brgy. Abian, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Phil Mark De Vera, 30-anyos, binata at residente ng Brgy. Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang isang transparent plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, cellphone at buybust marked money na Php1,500 na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Bambang, Nueva Vizcaya ay matagal ng minammanan ng otoridad si De Vera ngunit ngayon lamang ito natiyempuhan ng mga alagad ng batas.

Sasampahan ng kaso si De Vera ng may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments