Nanay, pinagbabayad ang anak dahil sa nasirang kama matapos makipagtalik

Dinala sa korte ng nanay mula United Kingdom ang kanyang anak matapos niyang madiskubre na nasira nito ang kanyang kama na nagkakahalaga ng mahigit 100,000 libong piso, ang dahilan umano ay ang pakikipag-sex nito.

Unang ipinaliwanag ng inang si Nicole sa judge na si Kyle Sandilands, na isang linggo umano silang wala sa kanilang bahay ng kanyang kinakasama, kaya naiwan ang anak na si Rhiannon.

“I said that she could have the spare room which has a nice queen size bed in it. Nothing wrong with it,” aniya.


Nang makabalik na raw sila matapos ang kanilang trip ay nadiskubre nitong sira na ang kanyang kama.

“I felt very violated by the fact that she broke it and didn’t actually care that she broke it,” dagdag niya.

Sa testimonya ni Rhiannon sinabi nitong nasira nga nila ng kanyang kinakasama ang naturang kama matapos ang sinasabi niyang “intense passion” habang wala ang ina.

Singit naman ni Kyle, “On mum’s bed? Darl, that’s the least romantic place I could imagine being with someone, on mum’s bed.”

Nang tanungin ang anak kung bakit hindi sa ibang kwarto, inamin nitong naroon raw kasi ang kanyang mga kaibigan.

Sinabi naman ni Rhiannon na hindi niya kayang bayaran ang sinisingil ng ina.

Giit ni Nicole, “You broke the bed, you pay for the bed.”

Ngunit sa huli sinabi ng ina, “Let’s just move on from this because I’m getting married in nine weeks and she’s supposed to be my bridesmaid, and we can barely speak two words to each other because of her lack of responsibility.”

Napunta ang panig ng korte kay Nicole kaya natapos ang kasong, pinagbabayad ng mahigit 100,000 libong piso si Rhiannon para sa nasirang kama ng ina.

Facebook Comments