Binata na Hinihinalang Nagbaril sa Sarili, Patay!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang binata na hinihinalang nagbaril sa sarili sa Brgy. Pallatao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joseph Pascua, 22 anyos, at residente ng Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), batay sa inihayag ng kapatid ng biktima na si Maria Christina Pascua, pasado alas nuebe kagabi nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima galing sa inuman.


Ilang sandali ay lumabas ang biktima at bigla na lamang nakarinig ang kanyang kapatid ng putok ng baril mula sa labas ng kanilang bahay.

Nakita na lamang ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.

Ayon sa pahayag ng pamilya ng biktima, mayroon umanong problema sa pag-ibig ang biktima dahil hiniwalayan ito ng kanyang kasintahan na posibleng dahilan ng kanyang pagbaril sa sarili.

 

Facebook Comments