Binata na Kasama sa DI Watch List, Arestado sa Drug Buy Bust Operation

14

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata na kasama sa DI List ng PNP Cauayan City kahapon.

Sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya kasama ang PDEA, nakilala ang suspek na si Jayson Lacuna, 18 taong gulang at residente ng Research, Minante 1 sa Lungsod ng Cauayan.


Ayon pa sa kapulisan, positibong nakuha sa pag-iingat ni Lacuna ang isang transparent heatsealed plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.

Kasama sa nakumpiska sa suspek ang isang (1) improvised na baril, isang libong piso bilang marked money at sling bag nitong naglalaman ng pera na may kabuuang 114 piso.

Ang suspek ay kasalukuyaang nasa kustodiya ng PNP Cauayan para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments