Binata na may 2 Kaso, Arestado sa Cagayan!

Arestado ang isang lalaki na Top 4 Most Wanted sa bayan ng Cordon, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas sais kaninang umaga sa Brgy. Magapit, Lallo, Cagayan.

Kinilala ang nahuli na si Mclint Baloran, 23 anyos, binata at nakatira sa Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang report ng RMN Cauayan, inaresto si Baloran dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 9165 at tangkang Panggagahasa.


Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments