Binata na may kaso sa N.Vizcaya, Naaresto sa Lungsod ng Ilagan

46

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang tanghali sa Brgy. Cabisera 3, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edralin Juan, 27 anyos at residente ng Brgy. San Felipe sa lungsod.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM mula sa PNP Ilagan, dinakip ang binata matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Rosalie Dallong-Galicinao, MCTC 2 nd Judicial Region Aritao, Nueva Vizcaya para sa kasong Act of Lasciviouness sa ilalim ng criminal case number 3842 na may petsang Nobyembre 6, 2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa na nagkakahalaga ng (P60,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers