Binata na may kasong Pang-aabuso, Arestado!

53

Roxas, Isabela – Natimbog ang isang binata na may kasong pang-aabuso matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Dennis Allam Ordonez, kwarenta anyos, binata at residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas ang akusado sa bisa ng mandyamento de aresto na ipinalabas ni Hukom Raul V. Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their children.

Nasa kustodiya na ng Roxas Police Station si Ordonez para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin at makakalaya lamang kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P24,000.0

Facebook Comments