Binata na may Kasong Rape sa Delfin Albano, Arestado!

Delfin Albano, Isabela – Arestado kahapon ang isang binata dahil sa kasong panggagahasa at tinaguriang top 3 most wanted person sa bayan ng Delfin Albano.

Sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang akusado na si Gilbert Acio Tabing, tatlumpu’t tatlong taong gulang, tubong Brgy. Bunol, Guiamba, Nueva Ecija at kasaluluyang nakatira sa Capitol, Delfin Albano, Isabela.

Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Jesus Felipe Torio II ng RTC Branch 22 ng Cabagan Isabela.


Samantala, ang pwersa ng paghuli sa akusado ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Ericson Aniag, Chief of Police ng Delfin Albano Police Station, kasama ang ilang tauhan ng IPPO, CIDG, ISAB PFU, Guiamba Police Station NEPPO sa pangunguna rin ni Psupt Gerald Licyayo (COP).

Nasa himpilan na ng PNP Delfin Albano si Tabing para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments