CAFGU Member na Tumakas sa Checkpoint ng PNP Ramon, Isabela, Nasampahan na ng Kaso!

*Ramon, Isabela- *Nakapiit at nasampahan na ng kasong Carnapping at Disobedience upon Person in Authority ang isang CAFGU Member na tumakas sa checkpoint kasama ang nanlaban at napatay na si Rolly Amayad Eguid na may kasong Robbery, attempted rape at murder sa bayan ng Ramon, Isabela.

Ito ay matapos mai-turn over ng PNP Paracelis, Mt Province si Jestoni Occas Bungan, isang miyembro ng CAFGU na naka destino sa Bontoc, Mt. Province.

Si Bungan ay nadakip sa isang pagamutan sa Paracelis, Mt Province matapos itong tamaan ng bala ng baril sa bahagi ng kanyang paa at tumakas sa inilatag na Checkpoint ng PNP Ramon kamakailan sa brgy Aguinaldo, Ramon, Isabela kasama ang angkas na nanlaban at nasawing si Rolly Eguid.


Ayon kay Police Chief Inspector Lord Wilson Adorio, hepe ng PNP Ramon, Isabela, isa sa kanilang tinitignang motibo ay kung si Jestoni Bungan rin ang nakasama noon ni Rolly Eguid sa naganap na krimen kamakailan sa Ramon, Isabela.

Facebook Comments