Binata na may kasong Robbery, Kalaboso!

57

San Mateo, Isabela – Arestado ang isang binata na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest dakong alas kwatro ng hapon sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Jerome Real Llantada, bente anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Llantada sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ariel M. Palce, Presiding Judge ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Robbery.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon habang may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Facebook Comments

From Advertisers