Binata na Nanira ng Personal na Gamit, Arestado

26

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang umaga sa Brgy. San Vicente, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Reymart Nicolas, 23 anyos at residente ng Brgy. Baculod, Ilagan City.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ilagan City, dinakip ang binate sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Jeland Omer L. Pormentilla ng RTC Br. 40 National Capital Region, Quezon City para sa kasong Malicious Mischief na may petsang Oktubre 7, 2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang (P5,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang binata para sa kaukulang disposisyon bago ipaskamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers