Binata na Sangkot sa Aksidente, Hinuli ng mga Otoridad!

*Jones, Isabela- *Arestado ang isang binata na wanted sa batas matapos itong silbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Payac, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jonel Pataueg, 23 anyos, at residente ng Brgy. Payac, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pasado alas otso kaninang umaga nang madakip si Pataueg sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Genevieve Andewanagan ng MTCC Br 1, Santiago City, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Damage to Property.


Nasa kustodiya na ng Jones Police Station ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P11,000.00.

Facebook Comments