Binata na Tinanggal sa Trabaho ng isang Kumpanya ng Kuryente, Nagpakamatay

*Cauayan City, Isabela*-Patay na nang matagpuan ang isang binata na nakabitin sa isang hamba o door jam sa abandonadong bahay sa Brgy. Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Noe Bantonay, 37 anyos at residente ng Sitio Dayog, Brgy.Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Quezon, nagtungo pa umano sa isang christmas party ang biktima at ilang sandali pa ay dumiretso ito sa abandonadong bahay.


Ayon sa saksi na si Rowena Kidiatan, 63 anyos at residente sa nasabing lugar na magpapahinga lang ang biktima sa abandonadong bahay dahil nasa impluwensya umano ng nakalalasing na inumin ang binata at di alintana ang pagpasok nito sa lugar at nang balikan niya ito ay tumambad sa kanya ang wala ng buhay ng binata na nakabitin ang leeg.

Napag-alaman din na natanggal sa trabaho si Bantonay sa isang kilalang kumpanya ng kuryente bilang utility worker at nang matanggal sa trabaho ay halos araw-araw na umano itong naglalasing hanggang sa kitilin nito ang kanyang buhay.

Photo Courtesy: KTUU.COM

Facebook Comments