Binata na Top 2 sa Provincial at City Level, Arestado sa kasong Panggagahasa

145

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binate na Top 2 Provincial Level at City Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. San Fermin, Cauayan, City.

Kinilala ang akusado na si Arnold Malicad, 23 anyos, walang trabaho at residente sa nasabing barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa PNP Cauayan, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Reymundo Aumentado ng RTC Br.20 Cauayan City para sa kasong Panggagahasa sa ilalim ng criminal case no.20-11820.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang binata para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers