Palanan, Isabela, Niyanig ng magkakasunod na Lindol

502

*Cauayan City, Isabela*- Naramdaman ng mga residente sa coastal town ng Palanan, Isabela ang magkakasunod na lindol kaninang umaga.

Batay sa talaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas otso kaninang umaga ng maitala ang halos magkakasunod na pagyanig sa lugar na umabot sa 3.9, 4.4, 2.7 at 2.4 magnitude na lindol habang alas singko ng hapon kanina ng muling maramdaman ang pagyanig na umabot naman sa 2.7 magnitude.


Ayon kay Ginoong Jose Marie Monte Claro,Municipal Disaster Risk Reduction Head, tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol at maswerte naman aniya na walang naidulot na pinsala ang nasabing pagyanig sa coastal town.

Patuloy naman ang kanilang isinasagawang hakbang upang ipalaganap sa publiko kahandaan kaugnay sa nangyaring pagyanig.

Facebook Comments

From Advertisers