Binata na Top 3 Most Wanted Person sa San Mateo, Isabela, Arestado!

200

San Mateo, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo dakong ala una ng tanghali matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jonathan Sanchez Tugawin, bente anyos, walang asawa, laborer at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Mateo si Tugawin sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ariel M. Palce ng RTC Cauayan City dahil sa kasong Frustrated Murder.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Tugawin na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.

Facebook Comments