Oplan Bakal Sita, Maigting na Ipinatutupad ng PNP Roxas!

Roxas, Isabela – Puspusan ang isinasagawang pagpapatupad ng PNP Roxas sa kanilang kampanya sa Oplan Bakal Sita bilang bahagi ng pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Ito ang ibinahagi ni Police Major Engelbert Bunagan ng PNP Roxas sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan sa kanya sa programang sentro serbisyo.

Aniya, patuloy ang kanilang ginagawang pagsita sa mga Bar at establishmento sa bayan upang matiyak ang seguridad ng mga nagpupunta rito.


Kaunay nito, patuloy rin ang kanilang isinasagawang kampanya kontra droga na mas lalong paiigtingin ang kanilang operasyon at hangga’t may droga ay tuloy ang kampanya.

Samantala, mula sa 26 barangay na sakop ng Roxas ay naideklara na bilang Drug Free ang limang barangay habang kasalukuyan ng pinoproseso ang iba pang mga barangay upang malinis na sa droga ang naturang bayan.

Facebook Comments