Binata na Tulak ng Droga, Arestado!

178

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang lalaki matapos magpositibo sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na na kabilang sa DI watch list na si Ed Jayson Alejandro, 26 y/o, walang asawa at residente ng Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.


Positibong nakabili mula sa suspek ang isang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang isang libong piso (P1,000.00) bilang buybust money.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers