Bagong NCRPO Chief P/Debold Sinas kayang ipagpatuloy ang sinimulan ni Gen. Eleazar

1530

Tiwala ang bagong Chief of Directorial Staff ng Philippine National  Police O PNP na si P/MGen. Guillermo  Eleazar na magiging buhay na buhay pa rin ang Internal Cleansing sa hanay ng National Capital Region Police Office o NCRPO.

 

Ito nag inihayag ni Eleazar kasunod ng nakatakda nnag turnover Ceremony sapagitan niya at bagong NCRPO Chief P/BGen. Debold  Sinas sa araw ng Miyerkules, Oktubre a-16.


 

Ayon kay Eleazar kilalang mahigpit si Sinas sa pamumuno sa kanyang hanay kaya’t tiwala ang heneral maipagpapatuloy niyo ang kanilang mga nasimukan ng ngayo’y  PNP Chief  P/General Oscar Albayalde.

 

Aminado si Eleazar na magkahalong emosyon ang kaniyang narramdaman sa paglisan sa NCRPO at ang pagharap sa bago niyang tungkulin, nangako ito na hindi pa rin niya aalisin ang tingin sa Metro Manila na siyang kabisera ng bansa.

 

Payo ni Eleazar sa kay Sinas sa bago nitong tungkulin bilang hepe NCRPO, kailangan lang na maipagpatuloy aniya ang pagbibigay inspirasyon sa mga pulis na gawin ng tama ang kanilang tungkulin.

Facebook Comments

From Advertisers