Binata na Umiwas sa Checkpoint, Nakorner sa Luna, Isabela!

*Isabela- *Hindi nakawala sa kamay ng mga otoridad ang isang binata matapos umiwas sa kanilang inilatag na checkpoint partikular sa FN Dy Boluevard, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Christian Jay Cadiente, 20 anyos, walang trabaho at residente ng Centro, Cabatuan, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang nagsasagawa ng checkpoint ang Isabela Special Motorcycle Action Responders Team (ISMART) Ilagan City, Isabela ay huminto ang suspek lulan ang minamanehong motorsiklo na may plakang BQ-5748 subalit nang lapitan ito ng mga otoridad ay pinaharurot nito ang motorsiklo patungong Luna, Isabela.


Matagumpay naman itong nakorner at naaresto ng mga humabol na pulis sa bayan ng Luna matapos walang maipakitang lisensya at kaukulang dokumento ng motorsiklo.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan City ang suspek na mahaharap sa kasong Simple Disobedience of a Person upon an Agent in Authority.

Facebook Comments