PPCRV, aminadong kabado pa rin sila sa nalalapit na halalan

Kasado na ang mga volunteers ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa halalan sa  Mayo a-trese.

Aminado ang PPCRV na magiging hamon pa rin sa kanila sa nalalapit na eleksyon ang mga dati nang problema sa mga nakalipas na halalan.

Kaugnay nito, kumuha na rin ang PPCRV ng youth ambassadors para maging ehemplo at magabayan ang mga kabataan sa tamang pagpili ng kandidato.


Nanawawagan naman ang PPCRV sa mga kabataan na mag-volunteer sa eleksyon.

Ang kailangan lamang gawin ay magtungo sa pinakamalapit nilang parokya, o kaya ay magpadala ng mensahe sa official FB page ng PPCRV.

Facebook Comments