Binata na Wanted Person sa Bayan ng San Guillermo, Nadakip sa Cagayan!

Nadakip na ng mga otoridad ang isang binata na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. San Jose, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang akusado na si Jun-jun Olivares alyas ” Anjong “, 27 anyos, residente ng Brgy. Guam, San Guillermo, Isabela.

Naaresto si Olivares sa bisa ng mandamiento na ipinalabas ni hukom Lyliha L Abella Aquino, ng RTC br 4 Carig, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Act.


Pansamantalang nasa kustodiya ng Baggao Police Station ang akusado at nakatakdang dalhin anumang araw sa court of origin nito.

Makakalaya lamang pansamantala si Olivares kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Ang pagkakatimbog ni Jun-jun Olivares ay sa pagtutulungan ng mga kasapi ng San Guillermo Police Station sa pangunguna ng hepe na si PCI Mariano Marayag Jr at ng PNP Baggao sa pangunguna naman ni PCI Rodel Tabulog.

Facebook Comments