Binata na Wanted sa Batas, Timbog!

60

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang binata na wanted sa batas matapos silbihan ng kanyang warrant of arrest sa Brgy. Fugaru, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Dexter Taguba, 25 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy. Fugaru, Angadanan, Isabela.


Si Taguba ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Melton C Galia, ng 8th MCTC, Angadanan-San Guillermo dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nasa kustodiya na ng Angadanan Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Pansamantalang makakalaya si Taguba kung makakapaglagak ng piyansang P36,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers