2 BuCor officials at 1 NBP doctor, papalayain na ng Senado

Matapos ang pitong araw na pagkakulong sa Senado ay lalaya na ngayon sina Bureau of Corrections Legal Chief Atty. Fredric Anthony Santos, BuCor Records Chief Ramoncito Roque at New bIlibid Prison Dr. Ursicio Cenas.

 

Matapos ang ikaanim na pagdinig ng Senado sa mga anumalya sa Bureau of Corrections at New Bilibid Prison ay pinirmahan na ni Committee Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon ang kanilang release order.

 

Sabi ni Gordon, sa isinagawang executive session ay may mga impormasyon ng ibinigay ang tatlo at kuntento na rin sila sa mga naging testimonya ng mga ito sa pagdinig ngayong araw.


 

Binanggit din ni Gordon na isa sa tatlo ay lumiham kay Senate Preisdent Tito Sotto III at nagsabi na sya ay may pagbabanta na sa kanyang buhay.

Facebook Comments