Binata, Nagbaril sa Ulo-Patay!

*Cauayan City, Isabela-* Tinuldukan na ang pagseselos ng isang binata sa pamamagitan ng kanyang pagpapakamatay nang barilin nito ang kanyang ulo habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa tabi ng ilog sa Brgy. Lusod, Maddela, Quirino.

Kinilala ang nagpakamatay na si Clifford Nazzer Bustamante, 22-anyos, binata at residente ng P2, Brgy. Lusod, Maddela, Quirno.

Nakilala naman ang mga kainuman ni Bustamante na sina Ronald J Bugaoisan, Paul Jeffrey V Medina at Kleynard Secolles na pawang mga nasa tamang edad at residente sa naturang lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Maddela, bigla umanong nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kainumang kaibigan at nagtungo sa kanyang sasakyan na nakaparada malapit sa kanilang pinag-iinuman.

Nagulat na lamang umano ang mga kainuman nito matapos na makarinig ng putok ng baril at tumambad sa mga ito ang wala nang buhay ng biktima na halos sabog ang bungo.

Binaril ng biktima ang kanyang ulo gamit ang isang 38 revolver.

Sa ginawang follow up naman ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt.Reynolds Gonzales, tagapagsalita ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), batay sa pagsisiyasat ng pulisya ay selos ang nakitang dahilan ng pagpapakamatay ni Bustamante.

Ito ay base na rin sa pahayag ng mga kaibigan ni Bustamante na mayroon umanong nanliligaw sa kanyang kasintahan na labis nitong pinagseselosan.

Facebook Comments