DELHI, India – Labis na ikinagulat ng isang pamilya ang natanggap na mensahe na nanghihingi ng pera bilang kapalit ng kanilang anak.
Ayon sa report, noong Linggo ay nakatanggap isang hindi kilalang mensahero ang nanghingi ng perang nagkakahalaga ng Dh24,540 o $328 para makabalik umano ng buhay ang kanilang anak.
Nagsimula silang mag-alala dahil cellphone number ng mismong anak nila ang gamit ng nagpadala ng mensahe.
Ayon sa tatay, umalis ng bahay ang anak para raw magtungo sa malapit na ATM ngunit hindi na ito bumalik.
Hanggang alas 8:00 ng gabi ay nakatanggap sila ng pananakot na kapalit ng pera ay buhay pa nilang masisilayan ang anak.
Agad nagtungo sa pulisya ang tatay para maghain ng reklamo at humingi ng tulong para matunton ito dahil hindi na raw matawagan ang kanyang cellphone number.
Sa inilabas na CCTV footage ng awtoridad, makikita raw ang pag-alis ng bahay ng anak at hindi nagtungo sa ATM na kaniya umanong pinagpaalaman.
Napag-alaman na ibang cellphone din ang ginamit nito sa pagtetext sa kanyang pamilya habang ang isang phone naman ay huling naging aktibo noong 8:47 pm sa Sarai Rohilla railway station.
At sa CCTV footage ng istasyon ay nakita ang lalaking sumakay sa isang compartment ng tren.
Sa tulong ng Delhi Police team kasama ng pamilya ng biktima, nasagip ang lalaki mula sa Jaipur at idinala sa himpilan.
Dito ay dumaan ito sa interrogation at counselling ayon sa mga pulis.
Nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya sa Noida ang lalaki.
Nakapagtapos ito noong 2017 at nais makapasok sa Indian Institute of Management Ahmedabad para kumuha ng Master of Business Administration degree.
Sa kasamaang-palad ay dalawang beses umano siyang bumagsak na nagdulot ng matinding depresyon kaya naisip nitong magpakamatay.