Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 19

Umakyat na sa 19 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House of Representatives Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli rito ang isang kawani na nakatalaga sa Procurement and Supply Management Service.

Ngayong araw aniya lumabas na positibo sa COVID-19 ang empleyado.


Huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong July 20, 2020 pero matapos ang dalawang oras ay umuwi rin makaraang makaranas ng clogged nose.

Sa ngayon aniya ay naka-home quarantine ang pasyente habang nagsasagawa na rin ng contact tracing.

Samantala, negatibo na sa sakit ang isang kawani ng Kamara na nakatalaga sa Committee on Justice.

Facebook Comments