Binata, Nakitang Nakabitay sa Acasia, Isa Pang Binata, Nakitang Nakahandusay – Kapwa Patay sa Camarines Sur

Patuloy ang isinasagawang imbistigasyon ngayon ng pagkakadiskubre sa isang 17-anyos na binata na nakabitay sa puno ng acasia malapit sa kanilang bahay sa Barangay san Antonio bayan ng Milaor, Camarines Sur.
Kahapon, bandang alas 9 ng gabi nakatanggap ng report ang Milaor PNP kaugnay ng nasabing insidente kung saan nakitang nakabitay sa puno ng akasya si Jomell Pesenio y Copoquian.
Tinitingnan pa ng pulisya ang anggulo kung may foul play sa nasabing pangyayari.
Sa inisyal na imbistigasyon ng pulisya sa kapamilya ng biktima, wala naman umanong sinasabing problema ang binata, bagamat aminado sila na nag-suicide ang binata.
Samantala, sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur, isang concerned citizen ang tumawag sa Tigaon PNP at nagreport na may lalaking nakahandusay sa loob ng Salazar compound, Barangay Huyun-Huyon ng nabanggit na bayan.
Sa pagresponde ng Tigaon Police, napag-alaman na ang lalaki ay biktima ng pananaksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Kaagad namang dinala sa Tigaon Primary Hospital ang biktima subalit dineklarang dead-on-arrival ng attending physician.
Kinilala ang biktima na si Jason Villesario y Bobis, edad 19, single at residente ng
Sa karagdagang tulong ng concerned citizen na unang nag-report ng pangyayari at follow-up investigation ng pulisya, isang suspect ang na-identify at sa mabilisang operasyon, na-aaresto ang suspect na kinilalang si Romero Larcena y Siso, edad 28, single, ng Zone 7, Brgy. Vinagre, Tigaon, Camarines Sur.
Dalawa pang suspects ang pinaghahanap ngayon ng mga kapulisan.

Facebook Comments