Dating Mayor ng City of Ilagan, Nakatakdang Magfile ng Kanyang COC Bukas!

City of Ilagan, Isabela – Nakatakdang magsadya bukas sa comelec Ilagan ang dating mayor na si Jose Marie Diaz upang magfile ng kanyang certificate of candidacy matapos ang isang termino na pamamahinga sa larangan ng pulitika.

Aniya bago ang nakatakdang pagfile ng Certificate of Candidacy ay nag-usap-usap na umano ang kanyang pamilya kung sino ang muling tatakbo sa darating na May 13, 2019 election.

Nais umano niyang ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulang mga proyekto at mga programa para sa mga magsasaka ng lungsod ng Ilagan.


Pahayag pa ng dating mayor na nais umano niyang tutukan ang pagtulong sa mga magsasaka ng lungsod ng Ilgan dahil sa wala umano siyang nakikitang pagbabago sa buhay ng mga ito.

Sinabi pa niya na isa sa nagpapalubog sa buhay ng magsasaka ay ang usapin sa presyo ng kanilang mga produkto na aniya’y mababa sa panahon ng anihan samantalang napakamahal naman umano ang presyo ng farm inputs sa panahon ng pagtatanim.

Samantala, si Jose Marie Diaz ay asawa ni incumbent Mayor Evelyn “Mudz” Diaz na napabalitang hindi na tatakbo sa darating na eleksyon.

Facebook Comments