Binata, Patay Matapos Maaksidente sa Cordon, Isabela!

239

Cordon, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo kahapon sa pambansang lansangan ng Brgy. Malapat, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Perez Alejo Jr., 24 anyos, binata, at residente ng Purok 4, Barangay Palacian. Aglipay, Quirino.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang binabaybay ng biktima ang nasabing lansangan at nang makarating sa pinagyarihan ng insidente ay sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa traffic sign board na inilagay sa harap ng bagong sementadong bahagi ng kalsada.

Sa lakas ng impak ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Alejo na agad namang isinugod sa hospital ngunit idineklara rin itong Dead on Arrival.

Nasa kustodiya na ng PNP Cordon ang sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers