Sweldo ng mga kasambahay, pinadadagdagan ng isang libong piso

Isinusulong ni House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon na dagdagan ng P1,000 ang buwanang sahod ng lahat ng mga kasambahay.

 

Ito ang inirekomendang dagdag sa minimum wage ng kongresista para sa lahat ng household workers.

 

Ayon kay Abayon, apektado rin ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga kasambahay bilang sila ay mga miyembro din ng marginalized sector.


 

Tinukoy ng mambabatas ang mga kasambahay ng Region 4A na may pinakamababang sahod  na P1,800 kada buwan.

 

Aniya, taong 2016 pa nang huling makatikim ng dagdag-sahod ang mga kasambahay sa CALABARZON at December 2017 sa Metro Manila at limang iba pang rehiyon.

 

Hiniling din nito ang pagkakaroon ng online database para sa registry of domestic workers para matiyak ang compliance sa batas na nagbibigay-proteksyon sa mga kasambahay gaya ng health benefits.

Facebook Comments