Binata, Patay matapos mabangga ng kasunod na SUV

429

*Cauayan City, Isabela*- Tukoy na ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nagmamay-ari ng isang SUV na umano’y nakabangga sa isang binata lulan ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Paddad, Alicia, Isabela kahapon.

Kinilala ang biktima na si Clinton Miranda Fadrego, 18 anyos, binata at residente ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Ardee Tion, Hepe ng PNP Alicia, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa pamilya ng biktima matapos ang insidente

Ayon pa kay P/Maj. Tion, pauwi na ang biktma sa kanilang tahanan lulan ng kanyang motorsiklo ng magsariling maaksidente at mabangga ng kasunod na SUV sa nasabing lugar

Dagdag pa ng hepe na agad silang nakipag ugnayan sa LTO matapos makita ng isang witness ang nangyaring insidente at matukoy ang plakang nakakabit sa naturang sasakyan na agad naman itong tinakbuhan lulan ng kanyang SUV.

Handa naman umano ang pamilya ng biktima na makipag areglo sa suspek na nakabangga sa kanilang kaanak.



Facebook Comments