Binata, Patay matapos makaladkad ng Van!

165

*Alicia, Isabela- *Dead on Arrival sa pagamutan ang isang binata matapos mabangga ng isang pampasaherong van kahapon sa pambansang lansangan ng Brgy. San Antonio, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng motorsiklo na si Josiah Abarrientos, 20 anyos, residente ng Brgy. San Antonio, Alicia, Isabela habang ang suspek at driver ng Van ay si Roberto Aguinaldo, 40 anyos at residente naman ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat na binabaybay nina Abarrientos at Aguinaldo ang nasabing lansangan nang biglang mag-crash sa daan ang motorsiklo ng biktima kaya’t nabangga ito ng kasalubong na Van.

Sa resulta ng banggaan, nagtamo ng malalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kaya’t isinugod ito ng rumespondeng Rescue 531 sa Manango Hospital subalit binawian din ito ng buhay.

Dinala sa himpilan ng PNP Alicia ang suspek maging ang dalawang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments