Binata, patay matapos makuryente sa poste ng ilaw sa Luneta

637

Nasawi ang isang 16-anyos na lalaki matapos makuryente sa poste ng ilaw sa Luneta, Disyembre 6, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat, una nang nakitang nakasampa ang binatang si Rene Boy dela Cruz sa steel barrier saka hinawakan ang bakal na poste ng ilaw na katabi lamang nito.


Pagkahawak sa naturang poste, bigla na lamang itong bumagsak at nangisay.

Agad na naisugod sa ospital ang biktima ngunit makalipas ang anim na araw ay binawian din ng buhay.

Pinsala sa bungo at pagsabog ng baga ang ikinamatay ni dela Cruz nang wala raw malabasan ang kuryente.

Iniimbestigahan naman sa ngayon kung paano nagkaroon ng kuryente ang poste kapag humahawak sa steel barrier.

Kasalukuyan pang naka-kordon ang naturang poste at sisiguruhin daw ng National Parks Development Committee (NDPC) na pananatilihin ang kaligtasan lalo ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments

From Advertisers