3 College Students, Arestado habang Nagpa-pot Session!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong mag-aaral sa kolehiyo matapos silang maaktuhan sa pagpa-pot session sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Franklin Domingo, 18 anyos, Mark Neil Macaro, 19 anyos, at Erickson Gangan, 18 anyos, na pawang mga residente ng Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Nadakip ang mga ito matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang himpilan ng pulisya kaugnay sa pot session ng tatlong lalaki sa bahay ni Ruby Gangan sa nasabing lugar.


Narekober sa tatlong suspek ang limang (5) sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, tatlong (3) piraso ng papel na may lamang tuyong fruiting tops, tatlong (3) cellphones at pera na P42.00.

Nasa pangangalaga na ng PNP Tumauini ang tatlong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments