Binata, patay nang mahulog mula ika-7 palapag na apartment

214

Nasawi ang isang 15-anyos na lalaki matapos itong mahulog mula ika-7 palapag sa bintana ng cr habang nasa isang Spanish language trip, Oct. 19, Sabado.

Nangyari ang insidente bandang 11:30 ng gabi sa isang apartment sa southern Spanish city of Cordoba.


Batay sa ulat, sinusubukan raw ayusin ng binata ang jalousie ng bintana ng cr nang mawalan ito ng balanse at nahulog.

Ayon sa emergency services spokesperson, bandang 11:25 raw nang ireport sa kanila ang naturang insidente.

Nang dumating ang mga pulis at medical responders, idineklarang patay na ang biktima.

Samantala, naghatid naman ng pakikiramay si Cardoba education chief Immaculada Troncoso sa pamilya ng binata.

“We deeply regret what has happened,” sabi niya.

“We are offering support to the school where the boy was, as well as his family,” dagdag pa niya.

Samantala, mag-iisang linggo na raw sa apartment ang lalaki dahil sa school language trip.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers