Binata, tinangkang wasakin ang kandado ng truck para ibenta

1026
Dashcam footage from concerned citizen

Viral ngayon online ang video ng isang kabataang palaboy na tinangkang wasakin ang kandado sa likod ng truck sa Road 10, Tondo, Manila.

Sa dashcam footage, makikitang sinusubukan ng lalaki sirain ang padlock, gamit ang isang matulis na bagay, habang nasa gitna ng trapiko.


Batay sa timeline ng netizen, nangyari ang insidente noong Oktubre 18.

Nang makarating sa pamahalaang lungsod ng Maynila, agad kumilos ang MPD-Special Mayor’s Reaction Team para mahuli ang lalaking nasa viral video.

Kinilala ang suspek na si James Bulan, 18-anyos.

Sa panayam kay Bulan, sinabi niyang mangunguha lamang siya ng basura noon nang himukin ng mga kasamang menor-de-edad na gawin ‘yun.

Aniya, kandado lamang ang kukunin nila at isasama sa mga ibebentang kalakal.

Pinag-aaralan pa ngayon ng kinauukulan kung sasampahan ng reklamo ang binatang nadakip.

Facebook Comments

From Advertisers