Binata, Patay Nang Malunod Sa Ilog!

Echague, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata matapos marekober ang kanyang katawan na nalunod sa Ilog Cagayan na sakop ng Brgy. Dammang East, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ar-Jay Corpuz Domingo, bente uno anyos, binata, at residente ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa tabing Ilog nang magpasya itong lumangoy ngunit aksidente itong malunod.


Pasado alas singko kaninang hapon nang marekober ang katawan ni Domingo at agad na isinugod sa pagamutan ngunit idineklara rin itong Dead on arrival.

Dinala na sa punerarya ang labi ng biktima.

Facebook Comments