Lolong Nanaga sa Santiago City, Arestado!

388

Sinampahan ng kasong frustrated homicide ang isang lolo matapos nitong tagain ang kanyang nakaalitang isa pang lolo sa barangay Calao West Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Andres Cambi 69 anyos, may asawa at residente ng brgy. Buenavista Santiago City habang ang suspek ay kinilala namang si Camilo Cadauan, 63 anyos at residente ng brgy. Calao West Santiago City.


Batay sa ulat ay umeextra umano ang suspek sa vulcanizing shop ng biktima kung saan ay nairita ito ng hindi ibinibigay ang kanyang 50 pesos na kinita mula sa kanyang pag vuvulcanized.

Sa panayam kay Cadauan ay sinugod umano ito ng biktima gamit ang tubo at pinalo sa mukha at binato pa sa ulo kayat dinipensahan nito ang kanyang sarili.

Dagdag rito ay nataga naman ni Caduan sa mukha at ulo si cñCambi na dahilan upang ito ay isugod sa pagamutan.

Sa panayam naman sa asawa ng biktima na si Mila Cambi ay sinabi nito na wala umanong hindi ibinibigay na bayad ang kanyang asawa kay Caduan kung nagtatrabaho ito sa kanilang shop at malamang ay nairita umano ang kanyang dahil binubuksan ng suspek ang kanilang shop kahit walang tao.

Balak naman ngayon ng panig ng biktima na makipagtulungan sa pagpapagamot ni cambi sa hospital habang kanina ay nagharapharap na sa tanggapan ng City Prosecutor’s Office ang magkabilang panig.




Facebook Comments