BINATA PATAY NANG MALUNOD SA ISANG RESORT SA SANTIAGO CITY.

Nauwi sa trahedya ang isa sanang hapi happy. Wala nang malay nang maiahon sa swimming pool ang isang 23-anyos na lalaki sa Wilmers Resort sa Barangay Sinsayon, Santiago City.

Nakilala ang biktimang si Jayson Licyayo, 23-anyos, JNT express courrier at residente ng P-5, Brgy. Gundaway, Cabarroguis, Quirino. Ayon sa ulat na nakalap, nag dive sa swimming pool ang binata kasama ang kanyang katrabahong si Glendale Baquiran.

Nagtaka umano si Baquiran dahil hindi na umahon ang biktima. Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Reynaldo Maggay, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang katrabaho sa naturang resort para mag-picnic. Nang hindi na lumutang si Licyayo, Agad na nagpasaklolo ang kanyang mga kasamahan sa lifeguard ng resort.. Dakong 10:30 kagabi ng maihon na wala nang buhay ang biktima.


Sinikap pang bigyan ng paunang lunas bago dinala sa isang pagamutan subalit di na naisalba ng mga doctor.

Sa ngayon, inaalam pa kung may sakit ang biktima o nauntog sa semento ang biktima na siyang sanhi ng kanyang pagkalunod.

Facebook Comments