LGU ISABELA MAY PLANONG DEKLARANG PERSONA NON GRATA ANG NPA

81

*Cauayan City* – Pinag-iisipan na ng lalawigan ng Isabela na ideklarang Persona Non Grata ang NPA sa buong probinsya.

Matatandaang nauna nang nagdeklara ang bayan ng Luna at lungsod ng Ilagan ng Persona non grata sa grupo. Bagamat pinag iisipan na ito ng legislative body ng Isabela ay nagpahayag ng kaisipan si Isabela Governor Rodito Albano.


Ayon kay Gov. Albano, kailangan personal na kilala at kailangang tukuyin kung sinu sino ang mga tao na ito. Dagdag pa ng gobernador na hindi grupo tulad ng NPA at mga kaanib na organisasyon ang idedeklarang Persona Non Grata kungdi mga personalidad.

Sa ngayon ayon pa kay Gob. Albano, ang tanging magagawa ay ang itaboy sila sa ating kuminidad. Dahil dito, inatasan niya ang DILG, Kasundaluhan at kapulisan kung sinong personalidad o taong tinutukoy para maideklarang persona non grata ang lider at miyembro nito.

Facebook Comments